Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Missing-in-action ang isa sa patok at naging paboritong cover girl ng Mega Magazine na si Maine Mendoza sa ‘millennial ball’ ng Mega Magazine na ginanap sa City of Dreams kahapon.

Sa social media pa lamang ay super abang na ang mga fans ni Maine sa pag-aakalang dadalo ito sa nasabing okasyon na dinaluhan ng mga kilalang showbiz personalities.

Pero bigo ang mga fans dahil walang Maine na dumating.

Tanging ang ka-loveteam nitong si Alden Richards ang dumating na siyang cover ng Mega MAN Magazine ngayong buwan ng Hunyo.

Samantala, napag-alamang hindi naman pala nagbigay ng kumpirmasyon ang phenomenal star na darating sa nasabing okasyon.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..