Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Balitang in speaking terms na ulit sina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla ngayon.

Nabalitang hiwalay na ang dalawa na ang sinasabing dahilan ay ang hindi pa rin napapawalang-bisa ng kasal ni Jodi kay Pampi Lacson na ikinainip na raw ni Jolo.

Kaya napagpasiyahang maging magkaibigan na lang sila hangga’t hindi naayos ang problema sa parte ng aktres.

Napansin ng fans ni Jodi na pumayat siya ng husto pero may mga nagsabing nasososbrahan ang aktres sa kaka-workout bilang paghahanda sa next project nila ni Richard Yap mula sa Star Creatives.

At dahil in speaking terms na ulit sina Jodi at Jolo ay tinanong namin ang aming source kung nagkabalikan na ang dalawa, “getting there,” ang sagot sa amin. (Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..