Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Guest last Monday (June 12) si Ian Veneracion sa show ni Boy Abunda sa ABS CBN na Tonight With Boy Abunda at dito’y nabanggit ni Ian na hindi jealous type ang misis niya na si Pam.

Katunayan, nang ikuwento raw ni Ian ang unang kissing scene nila ni Bea Alonzo sa seryeng A Love To Last, may halong kilig pa raw ang reaksiyon nito.

“Kaya nga ako nacha-challenge kasi sobrang confident, eh. I’m sure kung nagse-selos man siya, hindi niya ipapakita sa akin.

“For example, we did the first, my first scene namin ni Bea na nag-kiss kami, ikinuwento ko iyong eksena. Habang ikinikuwento ko, nakangiti siya. Sabi ko, ‘Kinikilig ka ba? Dapat nagseselos ka! Asawa kita, hindi ka dapat kinikilig!’ So, tapos tawa lang siya nang tawa.”

Saad pa ng Kapamilya aktor, “Sa tingin ko through the years naman, nakuha ko na rin naman iyong tiwala na niya. Alam naman niya na, hindi ba, behave naman ako, eh.”

Inusisa rin ni Kuya Boy, “You’re competing with-wow, teenagers, with boys in their early 20’s, anong advantage mo (sa kanila)? Anong lamang mo sa kanila?”

Sagot ni Ian, “I truly believe that age is an advantage. Experience! Kung iko-compare ko yung sarili ko ngayon kaysa sa age ko na early 20’s, di hamak na may mas advantage ako ngayon. I mean, kung iko-compare ko nga sa sarili ko, whether in terms of roles…”

“Mas mahusay ka bang kumiss (kiss) dahil you’re older?”

“Exactly! Dapat, dapat lang! Nakakahiya naman kung in all those years hindi ka natuto pa, di ba?” sagot ni Ian.

Tanong pa ni Kuya Boy, “Mas mahusay ka bang magpakilig because you’re older?

“Dapat, dapat. Dapat you know, dapat mas may understanding ka na ng audience mo or ng women, for example,” nakangiting tugon pa ni Ian. (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..