Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Isa sa mga araw na ito ay malalaman na ni Gerald Anderson/Gabriel Viloria kung sino ang tunay niyang magulang dahil base sa takbo ng kuwento ay parang lumalabas na si Michael de Mesa/Roman de la Vega ang ama niya sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin.

Napansin ni Michael/Roman at asawa nitong si Ayen Muji-Laurel/Victoria de la Vega na magaan ang loob nito kay Gerald/Gabriel.

Simula kasi nu’ng nakita ni Michael/Roman si Gerald/Gabriel ay hindi na nawala sa isipan niya ang lalaking kinamumuhian ng kinikilala niyang anak na si Jake Cuenca/Carlos de la Vega dahil nga karibal nit okay Kim Chiu (Bianca Agbayani).

Umupa si Michael/Roman ng imbestigador para alamin kung sino si Gerald/Gabriel at saan siya lumaki at sino magulang nito.

Base sa episode ng Ikaw Lang Ang Iibigin ngayong araw ay kinuha na ni Michael/Roman na endorser ang Kimerald bagay na ikinagulat ng anak niyang si Jake/Carlos na namamahala ng Tigershark energy drink.

Tinanong ni Jake ang ama kung bakit idinagdag si Gerald na hindi man lang ipinaalam sa kanya bilang manager ng Tigershark company.

Simpleng tanong ang ibinato ni Michael sa kinikilalang anak, “mayroon kang magandang strategy na itatapon mo lang dahil may personal kang galit sa endorser mo?”

Anyway, nakakita ng pagkakataon si Daniel Fernando/Rigor Villoria na mapapakinabangan niya ang anak-anakang si Gerald/Gabriel kaya personal siyang nagpakilala kay Michael/Roman.

Nagulat naman ang dating karelasyon ni Daniel na si Ayen Munji (Victoria Quintana-De la Vega) dahil inilalapit nito ang sarili sa kapahamakan.

Anak nina Daniel at Ayen si Jake/Carlos at kapag nalaman lahat ni Michael/Roman ang panloloko ng dalawa ay maghihirap ang anak nila na sa umpisa palang ay malayo na ang loob nito sa kinikilalang anak.

Gayun din si Daniel na wala ring amor kay Gerald kasi nga hindi naman niya tunay na anak ito.

Malayo pa ang tatakbuhin ni Gerald/Gabriel sa Ikaw Lang Ang Iibigin dahil marami pa siyang sekretong malalaman na dapat abangan ng lahat sa ABS-CBN bago mag It’s Showtime. (Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..