Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Kahit sibil sa pagharap sa audience ng ‘It’s Showtime” sina Vice Ganda at Anne Curtis ay hindi maitatago na malamig pa rin ang pagtrato nila sa isa’t isa.

Ramdam ito ng audience sa studio at mga viewers sa bahay ng “It’s Showtime” kung saan ay may kulang sa normal na relasyon nina Vice at Anne na napabalitang nagkaroon ng hindi magandang tagpo habang nasa kanilang dressing room.

Kahit sa pagkikita ng dalawa sa millennial ball ng Mega Magazine kung saan kapwa panauhin ang dalawa ay kapuna-puna ang pagiging civil ng dalawa.

Lalo itong naramdaman nang dahil walang photos na magkasama sina Anne at Vice na magkasama sa nasabing event.

Ang tanong ng netizens hanggang kailan ang ganito kalamig na relasyon ng dalawa at hindi kaya makaapekto ito sa kanilang show, lalo na’t sina Vice at Anne ang nagdadala ng show. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..