Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Makatwiran bang putulan ng ari o sex organ ang isang lalaking minamahal kung ito ay taksil? Kaya mo bang intindihin at ipaglaban hanggang sa dulo, kahit taksil ang asawa mo?

Ganito more or less ang nangyari kay Trina Legaspi sa episode ng Ipaglaban Mo na mapapanood this Saturday, June 17 sa ABS CBN.

Bukod kay Trina, ito ay pinagbibidahan nina Albie Casiño, Meryll Soriano, Richard Quan, Kiray Celis, at marami pang iba, sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr..

Sa kuwento ay isang menor de edad si Trina na nabuntis ni Albie. Ngunit may kalaguyo itong iba na nahuli ni Trina, kaya ang naging ending, pinutulan ni babae si lalaki ng kanyang kaligayahan sa buhay!

Ayon kay Trina, na-challenge siya sa role niya rito at first time raw niyang gumanap ng ganito.

“Yes, challenging po siya, kaya ibinigay ko ang one hundred percent ko rito. Tinodo ko na po iyong acting ko rito. Plus, first time kong gumanap din po ng ganito, eh,” esplika ng Kapamilya aktres.

Huwag kaligtaang panoorin ang #IMputol sa Ipaglaban Mo ngayong Sabado, June 17, 3pm pagkatapos ng It’s Showtime! (NONIE V. NICASIO)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..