Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sa mga bumabatikos kay Angel Locsin na nagpunta sa Marawi City para bisitahin at magbigay tulong sa mga naging biktima ng kaguluhan sa pagitan ng Maute Group at grupo ng Sundalo ay hindi niya gustong ipaalam ang pagtulong dahil matagal na rin naman niya itong ginagawa.

Hindi niya solo ang lakad kaya hindi maiwasang hindi ito malaman ng media dahil nag-post ang RMP (Risk Management Plan) at Kalinaw Mindanao network (KMN) ng,“Angel Locsin expressed sympathy to the evacuees of Marawi City as she visited the victims of aerial bombings and Marawi crisis in an evacuation center in Ma’had Alnor Al-Islaime, Block 8, Purok 5A, Ceanuri Subdivision in Tomas Cabili, Iligan City yesterday.

“Kalinaw Mindanao will hold a National Interfaith Humanitarian Mission on June 13-16 that will gather around 1,000 interfaith leaders, medical and mental health professionals, lawyers, humanitarian and development organizations, and volunteers from various universities and interfaith communities nationwide. They will render various resources and competencies for the IDPs.”

Malapit kay Angel ang mga kapatid na Muslim sa Marawi dahil miyembro siya ng Muslim royal family sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ang ina ng aktres ay ina-adopt ng isang Prinsesa as Marawi at ang lolo niya ay isa sa 15 sultanates ng nasabing bayan.

Marami nang natulungan akg aktres na hindi alam ng publiko at nalalaman lang ito kapag may mga netizen na nakukunan siya ng litrato at sabay posts sa social media.

Consistent si Angel sa mga gawaing tulad nito noon pa sa ilang bagyong nagdaan na laging present ang dalaga sa mga nangangailangan kaya sa mga bumabatikos sa aktres na pang press release ito ay hindi niya kailangan.

(Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..