Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Emosyonal na nagbigay-pugay ang ABS-CBN news reporter na si Chiara Zambrano sa namayapa niyang kaibigang sundalo.

Sa Instagram, ikinuwento ng Kapamilya reporter ang ilan sa mga masasayang ala-ala ng kanyang kaibigan, bago ito masawi sa bakbakan ng militar at Maute Group sa Marawi City.

“Akala ko nasa schooling ka pa, kaya hindi kita hinanap paglakad ng tropa. Sana nakapag-apir man lang tayo bago ka lumabas.

Gusto ko sanang bawiin nung inasar kita noon dahil ang baduy mo manligaw, sino nga ba yung niligawan mo non na pinag-formation mo ng puso yung mga sundalo mo sabay nakaluhod ka sa gitna. Kaso, totoo namang baduy eh.

Ikaw ang sundalong mahilig magpa-picture. Parang tuwang-tuwa ka lagi sa lahat ng pinupuntahan mo. O baka proud ka kasi sa ginagawa mo.

Pinaiyak mo ako, ser. Sana hindi ka na masyado noong nasaktan. Bago ka lumakad, pakibantayan na muna ang mga kaibigan natin sa loob.

Ilan pa. Ilan pang kaibigan at mahal sa buhay natin ang mawawala sa gyerang ito. Kaninong konsensya natin ipapatong ang nangyayari ngayong pagdurog sa Marawi, at sa lahat ng taong naroon ngayon sa gitna.”

Akala ko nasa schooling ka pa, kaya hindi kita hinanap paglakad ng tropa. Sana nakapag-apir man lang tayo bago ka lumabas. Gusto ko sanang bawiin nung inasar kita noon dahil ang baduy mo manligaw, sino nga ba yung niligawan mo non na pinag-formation mo ng puso yung mga sundalo mo sabay nakaluhod ka sa gitna. Kaso, totoo namang baduy eh. Ikaw ang sundalong mahilig magpa-picture. Parang tuwang-tuwa ka lagi sa lahat ng pinupuntahan mo. O baka proud ka kasi sa ginagawa mo. Pinaiyak mo ako, ser. Sana hindi ka na masyado noong nasaktan. Bago ka lumakad, pakibantayan na muna ang mga kaibigan natin sa loob. Ilan pa. Ilan pang kaibigan at mahal sa buhay natin ang mawawala sa gyerang ito. Kaninong konsensya natin ipapatong ang nangyayari ngayong pagdurog sa Marawi, at sa lahat ng taong naroon ngayon sa gitna.

A post shared by Chiara Zambrano (@chiarazambrano) on

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..