Thursday 19th October 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bonggang-bongga ang pagpasok ng Hunyo para sa Pinoy Big Brother (PBB) Final 4 na si Kisses Delavin.

Ito ay dahil isa si Kisses sa nilalaman ng cover ng official magazine ng ABS-CBN na Star Studio Magazine para sa buwan ng Hunyo na tiyak na patok na patok para sa pagbabalik-eskwela ng mga estudyante na karamihan ay umiidolo kay Kisses.

Matutunghayan sa nasabing June issue ng Star Studio Magazine ang star studded na selebrasyon ng debut ni Kisses noong May 1 na ginanap sa Makati Shangri-La.

Bukod sa pagiging cover ni Kisses ng Star Studio Magazine ay nagkataon ding inilunsad kahapon ang kauna-unahang billboard ni Kisses para sa isang apparel kasama ang ka-loveteam na si Marco Gallo.

Kaya naman isa si Kisses sa mainit na pinag-uusapan ngayong araw sa social media dahil sa magkasunod nitong mga activities. (Newsko Desk)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..