Sunday 20th August 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bago magtapos ang “Destined To Be Yours” ng GMA-7 ay mukhang malalantad na ang katotohanan sa likod ng totoong relasyon ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ito ay matapos na maging usap-usapan sa social media ang ipinost ni Maine na Instagram stories ng videoke sessions kasama ang ilang kasamahan sa DTBY na sina Sheena Halili at Juancho Trivino.

Naging pamilyar sa netizens ang bahay kung saan ginawa ng grupo ni Maine ang videoke session na katulad ng bahay ng nali-link kay Maine na si Sef Cadayona.

Gayunman ay walang nabanggit kung kanino ang bahay na ginawang hang-out ng DTBY stars hindi rin kasama si Sef sa Instagram stories ni Maine. (Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..