Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Bumuhos ang mga Kapamilya fans sa katatapos na 25th anniversary ng StarMagic na ginanap sa ASAP nitong Linggo sa Araneta Colesium.

Pero kung padamihan ng fans ang pag-uusapan ay nagpatalbugan sa dami sina Kathryn Bernardo at PBB winner na si Maymay Entrata.

Makikita ito sa nagkalat na banners ng dalawang Kapamilya stars sa iba’t ibang sulok ng Araneta kung saan ay makikita ang mukha ng kanilang mga idolo na bitbit ang kanilang masugid na mga tagahanga.

Walang-wala sa dami ng fans ng mga beteranong artista sa dami ang fans na dumagsa para panoorin ang kanilang idolong sina Kathryn at Maymay.

Ayon sa ilang netizens, kaya nang tapatan ng Maymay fans sa dami ang mga fans ni Kathryn.

(Edna Charum)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..