Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Nagsalita na ang libu-libong mga tagahanga nina Pinoy Big Brother (PBB) winner Maymay Entrata at Final 4 Edward Barber o ang “MayWard” at ito ay ang tamang panahon na para bigyan na ng teleserye na pagbibidahan ng dalawa na isa sa pinakasikat na bagong loveteam sa ABS-CBN.

Sa isang linggong poll ng Newsko.com.ph sa tanong na “Sinong bagong loveteam ngayon sa ABS-CBN 2 ang napapanahon na para bigyan ng pagbibidahang teleserye? ay nangibabaw ang MayWard loveteam.

Ito ang isa sa inilunsad na survey ng Newsko.com.ph na umani ng pinakamaraming respondents.

Sa opisyal na resulta ng survey na tinapos hanggang tanghali nitong Lunes, Mayo 22 ay ang tambalang MayWard ang nanalo na nakakuha ng 57% o katumbas ng 10,388 votes.

Pumangalawa ang PBB Final 4 ding si Kisses Delavin at Marco Gallo na umiskor naman ng 41% o botong 7,504.
Pangatlo naman ang tambalan ng dalawa ring ex-PBB housemates na sina Elisse Joson at McCoy de Leon na nakakuha ng 2% o 422 boto.

Ang pangingibabaw nina Maymay at Edward ay malinaw nang basehan para sugalan ng ABS-CBN ang dalawa dahil patunay ito ng malakas nilang loveteam na tiyak na tatangkilikin ng kanilang mga tagahanga sa telebisyon man ‘yan o sa big screen.

(Newsko Desk)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..