Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

ALIW na aliw si Vice Ganda kina Inigo Pascual (anak ni Piolo Pascual) at Angelina Cruz (anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano) nang mag-guest ang mga ito kasama sina Lila Alcasid (anak nina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren), at Andre Yllana (anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez).

Nahuhuli kasi ni Vice ang pagtitig ni Inigo sa dalaga ni Sunshine. Dagdag pa ang tila pamumula ng binata.

Gandang-ganda nga si Vice kay Angelina at sinabing pang-Hollywood ang kagandahan ng dalaga. Kaya hindi nakapagtatakang kahit ang binata ni Piolo ay nahalina sa kagandahan nito.

Tinugtugan pa ni Angelina gamit ang kanyang ukulele si Inigo nang hingan ito ng awitin ni Vice.

Pero sorry na lang si Inigo dahil sabi ni Angelina, hindi pa siya pinapayagang paligawan ng kanyang ina dahil 15-anyos pa lamang siya.

Sa La Salle Zobel nag-aaral si Angelina at aminadong namana niya ang galing ng kanyang inang si Sunshine sa pagkanta. Sa ngayon, isa nang recording artist si Angelina na kamakailan ay ini-release ang kanyang debut single sa ilalim ng Univesal Records na ipinrodyus ni Ito Rapadas ng Neocolours. (Krissy Dimayuga)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..