Wednesday 13th December 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Grabe ang supporters nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil naghihiyawan kapag ipinapakita ang teaser ng La Luna Sangre na malapit ng ipalabas sa ABS-CBN.

Base sa napanood naming teaser ay ipinakita muna sina Piolo Pascual at Angel Locsin na naunang bida sa Lobo na sinundan ng Imortal na pinagbidahan ulit ni ng aktres at ni John Lloyd Cruz.

At ngayon ang third installment na La Luna Sangre ay may special role si Angel at hindi pa nire-reveal kung sino ang anak niya kina Daniel at Kathryn.

Ang ganda ng fighting scenes ng KathNiel na talagang pinaghandaan nila dahil sumabak sila sa ilang buwang intensive training ng Muay Thai mula sa MMA Fighter Erwin Tagle.

Iisa ang tanong ng KathNiel fans, kailan ang airing ng La Luna Sangre? (Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..