Wednesday 28th June 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Ngayong gabi na mapapanood ang kasal nina Cardo Dalisay (Coco Martin) at Alyanna Arevalo (Yassi Pressman) sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

Long overdue na ang nasabing kasal na hindi matuluy-tuloy dahil nakulong si Cardo na naging pugante pero hindi pa rin siya binitiwan ni Alyanna hanggang sa mahuli at makulong at lumaya.

Base sa post na litrato ni Yassi nan aka-damit pangkasal ng adprom manager ng Dreamscape Entertainment na si Eric John Salut ay may caption na, “You are invited ngayong gabi #FPJAPKasal.”

Nakasuot naman ng barong si Coco na may caption na, “sa lahat ng hirap na pinagdaanan ni Cardo, our hero deserves to be happy too! Imbitado ka ngayong gabi sa #FPJAPKasal.

Nakakatawa dahil may mga nagko-comment na dapat daw si Glenn (Maja Salvador) ang pakasalan ni Cardo.

Matatandaang si Maja ang unang leading lady ni Cardo sa mga naunang episodes ng FPJAP, pero nagpaalam siya sa programa dahil may iba siyang gagawing project kaya ipinalit si Yassi.(Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..