Wednesday 24th May 2017
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Sa bagong yugto ng FPJ’s Ang Probinsyano ay may mga bagong mukhang mapapanood base na rin sa Instagram post ng business unit head ng Dreamscape Entertainment na si Deo T. Endrinal.

Ang mga litratong naka-post ay sina Senator Lito Lapid, Mark Lapid, Jhong Hilario, Ejay Falcon, John Arcilla, Maya Valdez, Sid Lucero, Angel Aquino at Pokwang na may captions na, “Another chapter soon #FPJAP.”

Palaisipan sa netizens kung ano ang magiging papel ng mga nabanggit sa aksyon-serye ni Coco Martin.

At tuluyan na bang masusukol ng grupo ni Cardo Dalisay (Coco) si Joaquin Tuazon (Arjo Atayde) dahil base sa umeereng kuwento ngayon ng FPJAP ay talagang hindi siya tinatantanan at mas lalo pang nalito na ang huli dahil aksidente niyang napatay ang nanay niyang si Verna (Agot Isidro).

Samantala, muling nangunguna sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano sa primetime tulad nitong Miyerkules ay nakakuha ng 41.5% nationwide mula sa Kantar Media at naka 22% lang ang katapat nitong Encantadia ayon sa survey ng AGB Nielsen.

Isa pang ikinatutuwa ng Team Ang Probinsyano ay dahil pang number 8 best selling ang librong FPJ’s Ang Probinsyano Ligtas Tips ngayong Mayo sa National Bookstore mula sa ABS-CBNPublishing.

(Reggee Bonoan)

Latest    Trending    News

All    Time    Trending

Copyright © 2017 NewsKo - Celebrity, media, campus crush..