Saturday 26th May 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   

Mukhang maba-babad na naman sa hot water ang “It’s Showtime” after ng guesting ng Fliptop battle player na si Loonie kahapon, June 19.

Sa tunay na flip top battle ay sadyang katanggap-tanggap lang ang mga binanggit ni Loonie, pero dahil ang Showtime ay isang live noontime show on Free TV ay hindi na natin alam kung anong magiging susunod na hakbang dito ng MTRCB.

Sa segment kasi na ‘Ansabe’ ay contestant si Loonie, kasama ang isa pang fliptop artist na si Smugglaz na ikinatuwa naman ng madlang pipol. Pero nagsimula ng mag-iba ang timpla ng show ng mag-fliPtop battle na sina Loonie at ang Koreanong si Ryan Bang, as per Vice Ganda’s request.

Loonie: “Aabotin mo sakin eh puro pintas at lait. Sa sobrang liit ng mata mo, kaya kitang piringan sintas ang gamit.”
Ryan: “Tapos ka na Loonie? Eto masasabi ko sa yo: kahit anong fliptop mo sakin, okay lang yan sakin kasi wala ako maintindihan sa fliptop mo.”

Loonie: “Isa pa, isa pa?”
Vice: “Wag masyadong harsh ha?”

Loonie: “Umuwi ka na sa North Korea…”
Ryan: “South ako…”

Loonie: “Sabi ko sayo, umuwi ka na lang ng North Korea, nagkakalat ka lang ng gon-rrhea, wala kang maitutulong sa ekonomiya, mas nakakatawa pa sayo si Long Mejia. Joke!”

Bagamat nakasagot ay mistula namang napahiya si Ryan dahil hindi naman talaga likas na komedyante ang host.

Anyways, wala namang patumpik-tumpik na nag-apologize kaagad si Kuya Kim Atienza pagkatapos ng commercial break. Say ni Kuya Kim, “unintentional” ang naging paggamit ni Loonie ng mga salita, sabay hingi nito ng paumanhin sa mga manonood.

For the record, hindi ito ang first time na naging kontrobersyal ang guesting ng flip toppers sa Showtime. Last October 2012, si Vice rin ang nag-initiate ng isang mini fliptop battle sa show na ikinasuspinde nito.

This time, mukhang madadale na naman sila sa pa-sample na flip top.

Dope. @loonieverse #smugglas

A photo posted by Teddy Corpuz (@teddspotting) on

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..